Vic

Mga anak ni Vic kumpleto sa binyag ng anak kay Pauleen

March 4, 2024 Vinia Vivar 148 views

Nabinyagan na ang bunsong anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Thia Marceline o Baby Mochi.

Sa kanyang Instagram Story ay ibinahagi ni Pauleeen ang mga kaganapan sa binyagan at makikitang simple ito’t dinaluhan lang ng pamilya’t mga ninong at ninang.

Makikitang kumpleto ang mga anak ni Bossing Vic sa naturang okasyon na sina Danica, Oyo Boy, Pasig Mayor Vico at si Paulina. Siyempre naroroon din si Tali, panganay naman nila ni Pauleen.

Naroroon din ang kapatid ni Vic na si former Senator Tito Sotto at anak na si Ciara Sotto.

Siyempre, present din ang preggy misis ni Oyo na si Kristine Hermosa at kapatid nitong si Kath Hermosa na parehong ninang ni Baby Mochi.

Nakakatuwang tingnan ang kanilang family photo kung saan ay kumpleto ang anim na anak ni Bossing Vic.

Halata ring magkakasundo silang lahat base sa mga video at mga larawan.

AUTHOR PROFILE