Yap

Pagtulong pa rin sa tao prayoridad ng ACT CIS sa 2022

February 13, 2022 People's Tonight 367 views

BAGAMA’T trabaho ng mga party-list groups sa Kongreso ang gumawa ng mga batas para sa kanilang sektor, pagtulong pa rin sa tao ang isa sa mga prayoridad ng ACT CIS sa 2022.

Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “ plataporma po namin ang pagtulong sa mga inaapi at walang boses sa lipunan”.

“Pati ang mga walang mahingan ng tulong para sa pagpapagamot nila o mga biktima ng pang-aabuso sa lipunan, ay kinokonsidera naming mga constituents naming,” dagdag pa ni Yap.

Ayon pa kay Yap, hindi lang sa Metro Manila kundi sa Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, tuloy ang pagtulong sa mga mahihirap at inaapi na mga kababayan sa mga tanggapan ng ACT CIS sa mga nabanggit na lugar.

Ayon naman kay ACT CIS Chairman Erwin Tulfo, walang babaguhin sa mga programa at proyekto ng ACT CIS sa susunod na tatlong taon.

Bukod kasi sa pagtulong sa mga walang pambayad sa ospital, pambili ng mga maintenance medicine, at pampalibing, isasama na rin yung mga walang hanap buhay sa Hunyo.

“Dadagdagan pa namin ang srbisyo publiko para naman doon sa mga walang kabuhayan o kinikita for 2022,” ani Chairman Tulfo.

AUTHOR PROFILE