Dizon1 Nakaantabay sina MPD chief Andre P. Dizon kasama si P/Lt. Col. Leandro S. Gutierrez, commander ng Ermita PS-5 habang idinaraos ng mga kababayang Muslim ang pagtatapos ng Ramadan sa Luneta Grandstand sa Rizal Park. Kuha ni JON-JON REYES

Pagtatapos ng Ramadan payapang idinaos sa Rizal Park

April 22, 2023 Jonjon Reyes 428 views

DizonNAGING mapayapa ang pagtatapos ng selebrasyon ng Eid’l Fitr 2023 o bilang pagtatapos ng obserbasyon ng Ramadan na idinaos sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Ermita Maynila na nagsimula ng 4:00 ng madaling araw, umaga nitong Sabado, Abril 22.

Pinangunahan ni “The Game Changer General” Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Andre P. Dizon ang pagbabantay at seguridad ng mga kababayang Muslim sa isinagawang programa sa pambansang parke ng Pilipinas.

Kabilang din sa mga nakaantabay ay sina P/Lt. Col. Leandro S. Gutierrez, station commander ng MPD Ermita Police Station (PS) 5,na siyang nakakasakop sa lugar kasama ang Rizal Outpost Commander na si P/Lt. Inocentes Agao Jr. at ng mga Bike Patrol Unit.

Kabilang din sa nagbantay sina P/Capt. Peco, P/Maj. Mababangloob ng Manila District Traffic Enforcement Unit at PCMS Cabigting ng MPD-EOD para tiyakin ang ligtas na pagdaraos ng Eid’l Fitr.

Ayon kay P/Maj. Philipp Ines, chief ng MPD PIO (Public Information Office) bandang alas-6 ng umaga ng dumating si Dizon sa Luneta Grandstand upang pangunahan ang pagbabantay sa mga Pilipinong Muslim na nagsagawa ng dasal pasasalamat para sa pagtatapos ng Ramadan.

Nagpasalamat at pinapurihan naman ng MPD director ang maayos na pagbabantay ng kapulisan na naka-deploy sa lugar.

Dagdag ng heneral, hindi hihinto ang MPD sa pagbabantay at serbisyo sa mamamayan maging Kristiyano man o Muslim bilang pagpapahalaga sa pagpapahayag ng pananampalataya sa Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE