Servo

Pagdiriwang ng 122nd anniv ng Manila council makulay

July 25, 2023 Edd Reyes 457 views

BAGAMA’T simple at tahimik lamang ang gagawing pagdiriwang ng ika-122 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila, magiging makasaysayan ang isang linggong kaganapan mula Hulyo 31 hanggang Agosto 4, 2023.

Ayon kay Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, nakatutok sa mga nakaraang kasaysayan ng konseho ang pagdiriwang na may temang “Preserving Legacy by Being Future Ready.”

Ilulunsad din ang opisyal na website ng 12th City Council sa panahon ng pagdiriwang bilang bahagi ng programang digitalization na isang paraan upang maging bukas sa mata ng publiko ang kanilang mga gawain.

Bilang panimula ng selebrasyon, isasagawa sa Hulyo 31 ang pagpupugay sa watawat sa Kartilya ng Katipunann para sa kahalagang pangkasaysayan.

Pagkakalooban din ng parangal at plake ng pagkilala ang mga kasalukuyan at maging mga nakaraang opisyal na nagpamalas ng katapatan sa tungkulin at sa kanilang nai-ambag na nagdulot ng maganda sa Konseho.

Dahil unang inorganisa ang Manila City Council noong Hulyo 31, 1901 sa Avuntamiento de Manila, magiging sentro ng pagdiriwang ng ika-122 taong anibersaryo ang naturang petsa na gaganapin dakong alas-2 ng hapon.

Sa naturang programa na gaganapin din sa Avuntamiento de Manila gugunitain ang pagsisimula ng mga naging trabaho ng Konseho sa gitna ng paglalakbay tungo sa paghahanda sa kinabukasan.

Kabilang sa mga panauhing pandangal at tagapagsalita ang ilang mga dati at kasalukuyang matataas na opisyal ng pamahalaan na maglalahad ng kanilang saloobin sa naging papel ng Konseho sa lokal na pamamahala.

At para lalo pang maging malapit ang ugnayan at pagkakaibigan ng mga kawani at mga tauhan ng Konseho, plano nilang mag “boodle lunch” na gaganapin sa Universidad de Manila na susundan ng paglalantad ng talento ng mga empleyado sa gaganaping Got Talent Program.

AUTHOR PROFILE