Kulong

Bebot swak sa selda dahil pagnanakaw

July 25, 2023 Jonjon Reyes 387 views

TULOY TULOY ang paghimas sa rehas na bakal ng isang 30 anyos na dalaga matapos muling ikulong ng mga pulis ng Manila Police District dahil sa pagnanakaw.

Kinilala ni Lt. Col.Orlando Mirando Jr., Officer In Charge ng MPD District Investigation Detective Management Division (DIDMD) ang suspek na si Rea Deniece Nicolas, 30, ng 312 Osorio St., Brgy 97 Zone 8 Tondo, Manila.

Nahaharap ang suspek sa 15 counts ng qualified theft, ayon kay Police Major Alfredo Tan Jr.

AUTHOR PROFILE