Kathniel

Pagbati ni Daniel kay Kathryn umani ng samu’t saring reaksyon sa fans at netizens

March 26, 2024 Vinia Vivar 122 views

Kahit wala na sila, hindi nakalimot si Daniel Padilla na batiin ang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo sa kaarawan nito kahapon, March 26.

Nag-post ang aktor ng blurred photo ng isang babae sa Instagram Story na pinaniniwalaang si Kathryn.

In Japanese, Daniel wrote, “Happy birthday to you.”

Samu’t sari ang reaksyon ng netizens at fans. May kinilig sa greetings ni DJ pero meron din namang galit pa rin hanggang ngayon sa aktor.

“Papansin na ex, literal HAHAHAHAHAHA,” komento ng isang netizen.

“Ba’t kinilig ako ng slight,” sabi naman ng isa pa.

“Amaccanah Daniel!” reaksyon naman ng isa pa.

Pagtatanggol naman ng isang X user, “Natural lang na batiin ni Daniel si Kathryn naging malaking parte ng buhay nila ang isa’t-isa at kahit anong mangyari di na mawawala yon kahit may kanya-kanya na silang buhay… Paano nalang kung irepost ni Kathryn yan eh di nagbigti na kayong mga bashers ni Daniel? Chos!”

Komento naman ng isa pa, “That’s good being civil,”

Matatandaan na inanunsyo ng KathNiel ang kanilang break-up noong Nov. 20, 2023.

AUTHOR PROFILE