Denjen

Dennis nawindang sa aksidente ni Jennylyn sa motor

March 26, 2024 Vinia Vivar 103 views

Naaksidente pala si Jennylyn Mercado sa pagmomotorsiklo nitong nakaraang weekend. Pero wala namang dapat ipag-alala dahil okay siya at wala namang napinsala sa kanya.

Kwento ng Kapuso Ultimate Star sa “24 Oras,” madulas ang daan kaya na-out of balance siya habang nagmo-motor.

Tumama ang ulo niya sa semento pero ipinagpapasalamat ng aktres na naka-helmet siya at kumpleto ang gears kaya walang nangyaring masama sa kanya.

“Alam mo, ‘yung ulo ko tumama sa floor talaga, pero safe pa rin ako dahil naka-helmet ako, naka-gears ako, complete ‘yung gear ko, protected ‘yung buong katawan ko so I’m very thankful na walang major na nangyari sa’kin,” sey ni Jen.

Nawindang nga rin ang mister niyang si Dennis Trillo sa nangyari.

“Kitang-kita ko eh, nasa harapan ko kasi siya, tinitingnan ko siya habang nangyayari ‘yun so ayun, nakakabigla dahil first time namin maaksidente sa kalsada talaga,” sey ni Dennis.

Anyway, super-thankful naman ang aktres sa success ng comeback series niyang “Love. Die. Repeat.” with Xian Lim na magtatapos na ngayong gabi, March 27. Nagpapasalamat siya sa lahat ng sumuporta’t sumubaybay sa show. Abangan ang shocking pero heartwarming finale tonight at 8:50 on GMA Prime.

AUTHOR PROFILE