Sarah

Sarah at Matteo napatawad na ni Mommy Divine

March 26, 2024 Vinia Vivar 104 views

Totoo ang tsismis. Bati na nga at nag-uusap na si Sarah Geronimo at ang kanyang inang si Mommy Divine.

Kinumpirma ito mismo ng Popstar Royalty sa latest interview kay Dyan Castillejo ng ABS-CBN.

Actually, last month pa napabalitang magkasundo na ang mag-ina pero tahimik lang si Sarah tungkol dito.

Tsika ng isang kasamahan sa panulat, ang Viva head na si Boss Vic del Rosario ang namagitan para magkabati ang mag-ina.

Sa interview ni Dyan sa mag-asawang Guidicelli, natanong si Sarah kung totoong nag-uusap na sila ng kanyang ina at ang masayang sagot ng singer-actress ay, “Yes! Thank you Lord!”

Dagdag pa ni Sarah, “Totoo naman (na) ang mga mommies po natin ang heroes natin. Our parents ang heroes natin. I love you, ma.”

Sey naman ni Matteo, “Love you, Ma. We love our moms.”

Matatandaan na sinabi ni Sarah na ang kanyang ina ang kanyang hero nang tanggapin niya ng Global Force Award sa Billboard Women in Music event na ginanap sa Los Angeles, California kamakailan.

Naibahagi rin ni Sarah kay Dyan na binati pa siya ni Mommy Divine sa award na natanggap.

Marami naman ang natuwa na finally ay napatawad na ni Mommy Divine ang mag-asawa.

“Marami kaming nagdasal sa pagpapatawad ng Mommy Divine sa mag asawang Sarah at Matt. Thank you Lord at dininig mo ang aming kahilingan. Sarah luguran mula reng matua mu. Kapilan man ene katumbas keng nanu mang lugud kareng matua mu at kapatad, pamilya. Good luck at magkakababy na kayo ni Matteo. We are excited. Baka paglabas nyan celebrity narin,” pahayag ng isang netizen.

“Wow sa wakas nagkabati na. thank you lord,” saad ng isa pa.

Nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng mag-ina nang ikasal sina Sarah at Matteo noong 2020. Katakut-takot na kontrobersiya ang kaakibat ng naturang kasalan at sari-saring kwento ang lumabas.

AUTHOR PROFILE