Paolo

PAOLO GAME MAG-GUEST SA ‘SHOWTIME’

March 26, 2024 Vinia Vivar 105 views

Willing si Paolo Contis na mag-guest sa It’s Showtime na, as we all know, siyang pumalit sa Tahanang Pinakamasaya kung saan ay isa siya sa hosts.

Ayon sa aktor sa panayam sa “24 Oras,” “Work is work and I’m very happy na meron silang lugar.”

Looking forward umano si Paolo na maka-collaborate ang It’s Showtime hosts dahil kaibigan niya ang mga ito.

“Lahat, alam mo, kaibigan ko naman sila, kaibigan ko karamihan sa kanila. Si Ogie (Alcasid), si Vice (Ganda). I’m very close to Vhong (Navarro), so lahat naman ‘yan, very open tayo,” pahayag ni Paolo.

Matapos ang pagkawala sa ere ng kanyang noontime show, sa ngayon ay focused muna ang aktor sa isa pa niyang show sa GMA-7, ang Bubble Gang.

AUTHOR PROFILE