Pagbabalik ng labi ni Joma Sison sa Pinas, ipinapaubaya ng ng AFP sa pamilya

December 19, 2022 People's Tonight 73 views

IPINAPAUBAYA na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamilya ng namayapang Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria “Joma” Sison ang desisyon kung ibabalik ang kanyang mga lan isa Pilipinas.

Ayon kay AFP spokesman Col. Medel Aguilar, dapat tanungin muna ang pamilya ni Sison kung saan nila nais na ilibing ang namayapang founding chairman ng CPP-NPA-NDF.

“We cannot speculate yet on what the decision of the immediate family…Maybe we should ask them first where they want to bury the remains of Professor Sison,” pahayag ni Medel sa televised public briefing.

Kaugnay nito, inanunsyo naman ng CPP nitong Lunes na hindi sila magdedeklara ng ceasefire ngayong taon upang bigyang daan ang pagdiriwang ng holiday season.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng CPP na walang dahilan upang magdeklara sila ng ceasefire para sa holiday season, para sa kanilang 54th anniversary at sa kanilang pagluluksa sa pagkamatay ni Sison.

Matatandaang nitong nakaraang Linggo ay inihayag din ng AFP na hindi sila magdedeklara ng ceasefire sa pagitan ng rebeldeng grupo para sa pagdiriwang ng Christmas season.

AUTHOR PROFILE