
P1.58B shabu, nakumpiska ng PDEA, PNP, BOC sa Cavite anti-drug ops
NAKUMPISKA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BOC), ang mahigit sa P1.58 bilyong halaga ng shabu, sa dalawang magkasunod na operasyon sa Imus at Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi, na nagresulta rin sa pagkakapatay sa dalawang drug suspects at pagkakaaresto sa dalawang iba pa. Nina ALFRED DALIZON & JUN I. LEGASPI