Obrero nahulihan ng baril, pen gun; arestado

October 30, 2022 Jonjon Reyes 127 views

ISANG 33-anyos obrero ang inaresto ng mga elemento ng Manila Police District (MPD) matapos at mahulihan ito ng baril at pen gun, Sabao ng hapon sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila.

Ang suspek ay naaresto alinsunod sa isinasagawang “Oplan Galugad” ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng MPD.

Ayon kay MPD- Director Brigadier General Andre Perez Dizon, ang naarestong suspek ay pansamantalang nanunuluyan sa Purok 2 Isla Puting Bato sa Barangay 20 Zone 2 sa Tondo.

Base sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU ng MPD, kasagsagan ng malakas na hangin at ulan dulot ng Bagyong Paeng pasado 1 p.m. nang mamataan ang suspek na armado ng baril at pen gun.

Sa pangunguna ni Police Senior Master Sargent Fabian, nakuha sa suspek ang kalibre 38 baril at pen gun na may isang bala.

Nahaharap sa kasong paglabag sa illegal possesion of firearm and ammunition ang nasabing suspek.

AUTHOR PROFILE