MPD naging sandigan ng mga inilikas dulot ng Bagyong Paeng

October 30, 2022 Jonjon Reyes 148 views

HALOS umabot sa 500 individual o katumbas ng 75 pamilya ang inilikas ng mga tauhan ng Manila Police District- Moriones Police Station Station 2 sa pansamantalang Evacuation Center dahil sa pananalasa ng Bagyong ” Paeng sa Manila.

Bandang 9:20 a.m. nitong Linggo , pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo lll, PS-2 commander, ang paglikas sa apektadong mahihirap sa kanyang nasasakupan.

Dinala ang mga apektadong pamilya sa Isabelo Delos Reyes Elementary School kalapit na eskwelahan ng Police Station upang magsilbi munang silungan ng mga biktima.

Ayon sa ulat , nasa 80 ang mga kalalakihan, at mahigit kumulang na 100 na mga kababaihan, kabilang ang mga senior citizens, mga bata at maging Persons with Dissability (PWD) at mga buntis ang nasa mabuting kalagayan sa nasabing evacuation facilities.

Samantala, mahigit kumulang 800 individual katumbas sa 250 pamilya ang nailikas sa Baseco Evacuation Center kabilang ang Corazon High School.

Naging abala sa pagbabantay ang mga kapulisan ng Baseco Police Station13 sa pamumuno ni PLt.Col.Rodel Borbe.

Layunin nina PLT Col.Harry Ruiz Lorenzo III at PLt.Col.Rodel Borbe ang seguridad ng bawat pamilya sa lungsod ng Maynila dahil na rin sa pinalakas na direktiba ni MPD- Director Police Brigadier General Andre Perez Dizonat ng Team MPD.

AUTHOR PROFILE