BBM

NBI, PNP pinakikilos ni PBBM vs online sexual abuse

April 25, 2024 Chona Yu 59 views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Bureau of Investigation, Philippine National Police at ilan pang ahensya ng gobyerno na paigtingin ang laban kontra online sexual abuse at child sexual abuse.

Bukod sa NBI at PNP, inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pa ahensya ng gobyerno na paigtingin ang paglaban sa online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) at child sexual abuse or exploitation materials (CSAEM).

Pina-momonitor ni Pangulong Marcos sa DILG at PNP ang mga kaso dito sa bansa o sa abroad at paigringin ang kanilang presensya sa mga komunidad.

Pinakakasuhan ni Pangulong Marcos sa DOJ ang mga suspek dito at inatasan din ang DSWD at iba pang ahensiya ng gobyerno na paiksiin at i-improve ang proseso ng imbestigasyon para masiguro na protektado ang mga bata at kanilang pamilya .

Nais rin ni Pangulong Marcos na magkaroon ng kolaborasyon ang pribadong sektor at internet service providers sa local at global scale at awareness campaign sa mga eskwelahan at unibersidad.

Base sa pag aaral, sentro ang Pilipinas ng child sex abuse material production sa mundo.

Nong 2022, lumalabas sa pag aaral ng UNICEF at Interpol na 20% ng gumagamit ng internet na mga Filipino children ang nasa edad na 12 hanggang 17 o 2 milyon na mga bata ang biktima ng OSAEC.

Habang 23%-28% ng mga batang biktima ang hindi nagsusumbong tungkol sa nangyayari sa kanila.

AUTHOR PROFILE