Default Thumbnail

Nasa atin ang simpatiya ng buong mundo

September 10, 2023 Vic Reyes 299 views

Vic ReyesKAMAKAILAN lang ay isang makasaysayang “data sharing agreement” ang pinirmahan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Sa isang press statement ay sinabi ng BOC na ang data sharing agreement ay naglalayong i-elevate ang “trade and economic zones efficiency” sa bansa.

Ang accord ay pinirmahan nina Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, na isang taga-Batac City, Ilocos Norte, at PEZA Director-General Tereso O. Panga.

“The agreement for access to the Electronic Tracking of Containerized Cargo (E-TRACC) System will revolutionaize the efficiency and security of trade and economic zone operations in the Philippines,” ayon pa sa BOC.

Kinikilala ng dalawang ahensya ang “transformative potential of streamlined data sharing and cooperation.”

Ang BOC ay obligadong pangunahan ang handling, custody at pagdadala ng goods sa lahat ng ports of entry sa buong bansa.

Ang PEZA naman ang siyang responsable sa pag-regulate, supervise at pag- facilitate ng lahat ng busness operations sa loob ng mga economic zones” sa bansa.

Mula nang simulan ang E-TRACC system ay naging instrumental na ito in real-time monitoring ng lahat ng containerized goods’ inland movements, ayon pa sa BOC.

Malaki ang magagawa ng kasunduang pinirmahan ng BOC at PEZA para masiguro ang efficiency, transparency at security in cargo transportation “to and from economic zones.”

Congratulatioons po BOC Commissioner Rubio at PEZA Director-General Panga.

***

Habang papalapit ang October 30 Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) ay lalong tumitindi ang mga kaso ng vote-buying at vote-selling sa bansa.

Kahit non-partisan ang dalawang halalan na ito ay umiinit ang sitwasyon sa maraming parte ng bansa.

Kasi nga naman halos lahat ng mga kandidato ay magkakamag-anak, magkakapitbahay at magkakaibigan.

Ang matindi, talamak raw ang bilihan ng boto dahil maraming maperang kumakandidato ngayon at tinutulangan pa ng mga mayamang lokal na politiko.

Ang problema ay kulang ng manpower resources ang Commission on Elections (Comelec).

Kaya nga tama lang ang ginawa nitong pakikipagkasunduan sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) at Philippine Association of Law Schools (PALS).

Sa ilalim ng kasunduan, tutulong ang mga abogado at law students para ma-address ang vote-buying at vote-selling na nangyayari sa buong Pilipinas.

Tutulong sila sa information dissemination campaign na isinasagawa ng Comelec sa buong bansa.

Ang gusto ng Comelec ay ipaalam sa taumbayan, lalong-lalo na sa mga rehistradong botante, ang kasamaan ng pamimili at pagbebenta ng boto nitong darating na BSKE.

Tama ‘yan, Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Hulihin ang lahat ng namimili at nagbebenta ng boto.

***

Tama lang ang ginagawa ng Pilipinas na pagdadala ng mga supply sa mga sundalo nating nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Walang karapatan ang China na pagbawalan tayong pumunta sa Ayungin Shoal dahil atin ito at maliwanag na nasa loob ito ng teritoryo natin na kinikilala ng United Nations (UN).

Ang mga barko ng China ang siyang walang karapatang nag-operate sa loob ng ating teritoryo at dapat silang itaboy sa kugar.

Ang problema lang ay kulang na kulang tayo ng resources para maitaboy natin ang mga banyagang ito.

Sana makatulong ang mga kaalyado nating bansa, na kagaya ng Estados Unidos, Australia at Japan, para protektahan ang ating mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Huwag natin sayangin ang panahon dahil marami tayong kakampi sa labanang ito.

Tuloy-tuloy ang ginagawa nating pagbubulgar sa mga ginagawang pangha-harass sa atin ng mga taga-China Coast Guard at Chinese militia vessels na naglipana sa WPS.

Nasa atin ang simpatiya ng buong mundo dahil tayo ang tama sa laban na ito.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE