Default Thumbnail

Nagbibisikleta nasagasaan ng trak sa QC, patay!

August 18, 2021 Melnie Ragasa-limena 401 views

NASAWI ang isang nagbibisikleta nang masagasan ng truck sa Tandang Sora, Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Agad na binawian ng buhay ang biktima na nakilala lamang na si Michael Padayao habang arestado naman ang suspek na driver ng truck na si Ronald Villarama.

Batay sa inisyal na jmpormasyon mula kay Dexter Cardenas, traffic operations chief ng Quezon City Department of Public Order and Safety, dakong ala-1:00 ng hapon (August 17) nang maganap ang insidente sa kanto ng Congressional Avenue at Tandang Sora.

Aniya, sumabit ang bisikleta ng biktima sa gilid ng truck dahilan para sumemplang ito at magulungan pa ng likurang gulong nito.

Nilinaw naman ni Cardenas na hindi sa bike lane nangyari ang aksidente.

Ang suspek ay hawak na ngayon ng Traffic Sector 6 ng Quezon City Police District (QCPD).