Default Thumbnail

MWP sa Las Piñas timbog sa Parola

March 24, 2023 Jonjon Reyes 296 views

UMABOT sa dalawang taon ang pagtatago sa batas ng isang 51-anyos na “most wanted person” (MWP) dahil sa kasong pagpatay, sa Las Piñas City nang maaresto ito sa Parola Compound, Tondo ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) Baseco Police Station (PS) 13, Huwebes ng hapon.

Ang suspek ay may asawa, tambay, at residente ng Barangay CCA, Las Piñas City.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Baseco PS-13 ng MPD, bandang alas 5:00 ng hapon, nang madakip ang suspek sa Parola Compound, Tondo.

Ang suspek ay sangkot diumano sa pagpatay sa isang lugar sa Las Piñas, halos dalawang taon na ang nakalilipas at nagtago ito umano sa nasabing lugar sa Tondo.

Nang madiskubreng nagtatago sa lugar ang target ng operasyon, sa pangunguna ni P/Capt. Mel Soniega, hepe ng Station Warrant and Subpoena Section, kasama si P/Lt. Jay Joseph De Guzman ng Station Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City, ay tuluyan nilang inihain ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Harold Cesar Huliganga ng Regional Trial Court Branch 254 ng Las Piñas City, dahil sa kasong Revised Penal Code (RPC) Article 249 (Homicide).

Ipinabatid naman ni P/Maj. Philipp Ines ng Public Information Office (PIO) ang pasasalamat at papuri ni “The Game Changer General” MPD Chief P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon sa mga masigasig na mga tauhan ng Baseco PS-13 sa gitna ng pinaiiral na “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) at “Oplan Galugad” sa lungsod kontra krimen at mga wanted sa batas.

AUTHOR PROFILE