Default Thumbnail

MWP sa acts of lasciviousness, rape tiklo sa Calamba

March 29, 2023 Gil Aman 224 views

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL, Sta. Cruz, Laguna – Isang lalaking “most wanted person” (MWP) ang naaresto dahil sa kasong acts of lasciviousness at statutory rape 3:30 p.m. ng Marso 28 sa Bgy. Cinco, Calamba City, Laguna.

Ayon kay P/Col. Randy Glenn G. Silvio, acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office (PPO), at sa ulat ni P/Lt. Col. Milany E. Martirez, hepe ng Calamba police, ang warrant of arrest ay inisyu ni Calamba City, Laguna Regional Trial Court Br. 8 Acting Presiding Judge Ave A. Zurbito-Alba nitong Marso 22, 2023 kung saan nahatulan ng limang counts ng acts of lasciviousness at dalawang counts sa statutory rape ang suspek na may inilaang P180,000 piyansa sa naunang nabanggit na kaso.

Ang MWP ay kasalukuyang nakakulong sa Calamba police habang iniimpormahan ang korteng nag-isyu ng arrest warrant.

Ayon sa pahayag ni Silvio, “Tinitiyak ko po na makakamit ng biktima ang hutisya at pananagutin natin sa batas ang akusadong ito.

Nagpapasalamat din po kami sa ating mga mamamayan sa patuloy na pakikipagtulungan sa ating mga kapulisan para sa mabilisang pagkakadakip ng mga akusadong nagtatago sa batas.”

AUTHOR PROFILE