Promposal

Mutya, na-touch sa pasabog na promposal ni Beaver

February 26, 2024 Vinia Vivar 105 views

Saksi ang entertainment press at cast ng pelikulang When Magic Hurts sa promposal na ginawa ni Beaver Magtalas kay Mutya Orquia para sa gaganaping Star Magical Prom 2024 sa March 14.

Sina Beaver at Mutya ay parehong Star Magic talents at sila rin ang magkapareha sa When Magic Hurts.

Isinagawa ni Beaver ang ‘promposal’ sa grand mediacon ng kanilang pelikula and in fairness, nag-effort ang young actor para i-surprise ang leading lady.

Pinadalhan muna ni Beaver ng flowers at sapatos si Mutya sa bahay nito na mapapanood sa video na ipinalabas sa mediacon.

Sa mismong presscon ay isinuot ng young actor ang shoes kay Mutya at saka nag-deliver ng kanyang promposal speech na ang akala nga namin ay magko-confess siya ng love para sa kapareha.

“A wise man once told me, be cautious of falling in love because love can be such a waste of precious time. If that’s the truth, then I’m not wise,” bahagi ng speech ni Beaver.

“For every moment I spend with you, it’s priceless. Every time we spend together, I cherish and treasure,” sabi pa ng young actor.

Hanggang sa itinanong na nga ni Beaver ang “will you go to the Star Magic Prom with me?”

All throughout ay makikita naman sa reaksyon ni Mutya na parang hindi siya makapaniwala sa nangyayari at halatang na-touch siya nang bongga sa pasabog ni Beaver.

Mutya answered “yes” at biglang may butterflies na nagliparan sa paligid na parte pa rin ng pasabog ni Beaver.

Naging emosyonal si Mutya while saying her part naman. Aniya, matagal na silang magkaibigan ni Beaver kaya siyempre, ‘yes’ ang isasagot niya.

Anyway, sa mga nagtatanong kung sila na ba, anila ay hindi dahil good friends lang sila sa ngayon lalo pa nga’t mga bata pa sila.

Mutya is only 17 while Beaver is 18 years old.

Samantala, masaya ang dalawang ABS-CBN young stars na sila ang pinagtambal sa When Love Hurts na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.

Ito ang first movie ever ni Mutya kaya sobrang excited din niya.

Kasama rin nila rito sina Claudine Barretto, Dennis Padilla, Angelica Jones, Maxine Trinidad at marami pang iba mula sa direksyon ni Gabby Ramos.

AUTHOR PROFILE