Angelica

Dennis may payo sa ama ng anak ni Angelica

February 26, 2024 Jun Nardo 165 views

INURIRAT ng press si Dennis Padilla kaugnay ng mensahe sa kanya ng anak na si Julia Barretto sa nakaraang kaarawan niya.

Naganap ang pakikipag-usap ni Dennis sa presscon ng When Magic Hurts kung saan bida sina Beaver Magtalas, Mutya Orquia at Maxine Trinidad.

“Naluha ako,” sabi ni Dennis dahil halos tatlong taon din silang hindi nag-uusap ng anak.

Dagdag niya, “That was sweet. Parang tagos sa puso ang nararamdaman. That’s why I am so happy. I hope makapag-dinner or lunch kami soon.”

Sa nasabing mediacon, nagsalita rin si Angelica Jones sa problema sa dating partner na hindi kinikilala ang anak niyang lalaki at hindi magamit ang apelyido ng tatay.

Pinayuhan ni Dennis ang partner ni Angelica na dapat i-recognize ang anak sa aktres. May legal na hakbang na gagawin si Angelica upang maayos ang matagal na niyang problema.

Samantala, sa pelikulang When Magic Hurts, ipinaalam ng director nitong si Gabby Ramos na pumayag na ang foreign singer na si David Pomeranz na Got To Believe in Magic ang gamiting theme song ng movie.

KOREAN DISASTER THRILLER FILM PWEDE NANG I-STREAM

ANG Korean disaster thriller movie na Concrete Utopia na kumita sa sobra sa U$28 million ay streaming na sa Viu Philippines.

Ang nasabing movie ay pang-apat sa highest grossing film sa SK noong 2023.

Mula nang ipinalabas ito doon, umani ito ng tagumpay dahil sa suspense, drama at galing ng cast na kinabibilangan nina Park Seo-joon, Park Boo-young at Lee Byung-Hun.

Pinuri rin ito sa international film festivals gaya ng Toronto International Film Festival, Hawaii International Film Festival, International Film Festival of India at Kolkata International Film Festival.

Sa South Korea, nagkamit din ito ng awards gaya ng Best Film, Best Visual Effects, Best Art Director, Best Sound Editing, Best Actor at Best Supporting Actress.

Higit pa rito, nagkaisa ang Korean Film Council na ipadala ang Concrete Utopia bilang official entry ng bansa sa Best International Film Category sa 2024 Oscars.

Ang nasabing pelikula, na may Tagalog-dubbed version, ay streaming sa Viu Premium, ang subscription based streaming app ng Viu.

AUTHOR PROFILE