Frasco EID MUBARAK–Masayang nagkakaisa at nagmamahalan ang mga Pilipino anuman ang relihiyon. Ito ang mensahe ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco sa pagdiriwang ng Eid al-Adha.

Muslims binati ni Sec. Frasco sa pagdiriwang ng Eid al-Adha

June 16, 2024 Jonjon Reyes 110 views

NAGPAABOT ng pagbati si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco sa mga Muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Adha.

Ayon sa kalihim, panahon ng pagninilay, pasasalamat at pagkakaisa ang naturang okasyon.

“Sa pagpupugay sa espesyal na araw na ito, muling pinagtitibay namin ang aming pangako sa pagpapaunlad ng isang inklusibong industriya ng turismo na nagdiriwang at gumagalang sa mayamang pamana ng kultura ng komunidad ng Muslim,” sabi ni Garcia-Frasco.

Sinasaklaw ng NTDP 2023 – 2028 ang pagpapaunlad at promosyon ng Halal at Muslim-friendly na turismo na bahagi ng isang multifaceted tourism engagement na naglalayong gawing pangunahing destinasyon ang Pilipinas para sa mga Muslim na manlalakbay.

“Eid Mubarak sa lahat ng nagdiriwang! Nawa’y ang mapagpalang okasyong ito magdala ng kapayapaan, kagalakan, at kaunlaran sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay.

Magmahalan kahit na magkakaiba ang ating kulturang Pilipino. Mahalin ang Pilipinas,” pagtatapos ng kalihim.

AUTHOR PROFILE