Sermonia SEGURIDAD SA SEMANA SANTA – Pinangunahan nina P/Lt. Gen. Rhodel Sermonia, Deputy PNP Chief for Administration at OIC, sa pag-iikot sa mga pantalan sa Maynila kasama sina NCRPO Chief Maj. Gen. Edgar Alan Okubo at MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon. Kuha ni JON-JON REYES

MPD nakabantay sa ‘SumVac 2023’

April 5, 2023 Jonjon Reyes 384 views

1,600 pulis idineploy sa Maynila

OPISYAL nang inilunsad ni “The Game Changer General” Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon ang “Summer Vacation (SumVac) 2023” ngayong Kuwaresma, na nagsimula nitong Abril 1.

Ayon sa heneral, mahigit 1,600 MPD personnel ang naka-deploy sa paligid ng mga lugar sa Lungsod ng Maynila upang tulungan ang mga turistang lokal at dayuhan.

Ayon pa kay Dizon, ang “SumVac 2023” ay bahagi ng pagbabantay ng mga kapulisan ng Maynila at Philippine National Police (PNP) upang maiwasan ng anumang sa krimen na ipinatutupad ngayong tag-init at mga holiday.

Kabilang dito ang lubos na pagtulong ng pulisya sa pamamagitan ng pagpapaigting ng “police visibility” sa iba’t-ibang lugar tulad ng mga paliparan, daungan ng dagat, mga terminal ng bus, at iba pa na nasasakupan ng nasabing lungsod, upang magbigay serbisyo at seguridad sa mga turistang manlalakbay, papunta sa iba’t-ibang probinsya hanggang sa muli nilang pagbabalik.

Naglatag din ng karagdagang Police Assistance Desk (PADs) sa mga lugar na nakararanas ng pagsisikip sa daloy ng trapiko, tulad ng mga mall, parke, beach, swimming resort, at iba pang lugar, o tourist spot, upang ilapit ang serbisyo sa publiko ng pulisya.

Samantala, pinangunahan naman ni P/Lt. Gen. Rhodel Sermonia, Deputy PNP Chief for Administration at Officer-in-Charge (OIC) ang pag-iikot sa mga pantalan sa may North Port sa Tondo, Maynila kasama si NCRPO Chief P/Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, upang masiguro ang seguridad ng mga mamamayan na patungo sa kanilang mga probinsya.

Iniutos naman ng MPD chief sa kanyang mga kapulisan mula sa 14 na presinto at mga police station commanders ang 24/7 na seguridad sa kanilang mga nasasakupang lugar upang tiyakin ang ligtas na paglalakbay sa panahon ng Semana Santa.

AUTHOR PROFILE