Kulong

Moroccan nat’l nagpakita ng ari sa bebot, kulong

November 21, 2023 Edd Reyes 180 views

REHAS na bakal ang kapalit ng pagiging “exhibitionist” ng isang Moroccan national nang ireklamo sa pulisya ng 26-anyos na bebot na data analyst sa Makati City.

Sa report kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, Biyernes ng alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng isang isang food chain sa kanto ng Jupiter St. at Makati Avenue.

Nasa loob umano ng restroom ang dayuhan na si alyas Marouan, 48, nang buksan nito ang pintuan at sinadyang ipakita sa biktima ang kanyang ari habang kumikilos ng mahalay at nagsasalita ng bastos sa kanyang lengguahe.

Galit at takot naman ang nadama ng biktima sa kabastusang ipinakita ng dayuhan kaya nagsumbong sa security officer na si Guiller Sola, 48, na siyang dumakip kaagad kay Marouan.

Ayon kay BGen Pespes, paglabag sa R.A. 11313 (Safe Spaces Act) o ang Anti-Bastos Law ang isinampa ng Makati Police laban sa dayuhan sa piskalya ng Makati City.

AUTHOR PROFILE