Default Thumbnail

Modernisasyon ng PAF; attention, Security Bank

January 27, 2023 Paul M. Gutierrez 279 views

PaulUNA sa lahat, tayo po ay nakikiramay sa mga pamilya, kasamahan at kaibigan ng dalawang nasawi sa bumasak na eroplano ng Philippine Air Force (PAF) sa Pilar, Bataan nitong Miyerkules.

Nagsasanay umano ang SF260 Marchetti plane nang bumagsak ito bandang alas 10:42 ng umaga. Total wreck ang nasabing eroplano at hindi talaga mabubuhay ang dalawang piloto na pareho pa namang ‘bemedalled officers,’ patunay ang kanilang pagiging ‘recipient’ ng Gold Cross Medal, pangalawa sa pinakamataas na medalya sa AFP ‘for gallantry in action.’

Samantala, sa hiwalay na insidente, isa pang eroplano ang nawawala sa may Sierra Madre sa Isabela. May lulan na anim na katao ang nasabing eroplano kabilang ang piloto nito.

Hindi na umano makakontak ang nasabing eroplano mahigit isang oras matapos ang dapat na takdang oras na paul lapag nito.

Sadyang nakakalungkot ang ganitong sunud-sunod na pangyayari at alam nating lahat na walang sinuman ang nais itong mangyari. Pero ang nakalulungkot, alam din natin na wala nang “bago” sa ganitong mga aksidente.

Alam naman nating sadyang luma na ang ating mga kagamitan partikular sa PAF at may pangangailangan na talaga na gawing moderno ang mga ito. Opo, matagal na panahon na dapat sumailalim sa modernization ang ating PAF.

Kung titignan po natin ang ating mga karatig bansa talagang masasabi nating maaawa tayo sa kalagayan ng ating PAF. Dahil ang reyalidad, nagtiya-tiyaga tayo sa pinaglumuan ng ibang mga bansa.

Kaya po hindi pa sa digmaan talaga namamatay ang ating mga sundalo kundi sa mga mismong eroplano na hindi na tiyak ang kaligtasan.

Gayunpaman, sa panahon na talagang wala pang bagong kagamitan ang ating kasundaluhan, kailangang talagang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Bagaman nga at walang may gusto sa ganitong pangyayari pero kung paulit-ulit, ay kukuwestiyonin po talaga natin ang safety standards kung paano ba nasusunod ang mga ito.

Inaasahan po natin sa mga pangyayaring ito ay madagdagan ang pondo para sa modernisasyonng PAF. Dahil alam naman po natin ang papel na kanilang ginagampanan.

Maliban sa pagharap sa mga armadong grupo ay ang PAF po ang siyang tumutugon sa mga sakuna. Sila ang may kakayanan para mabilis na makatugon sa mga kalamidad na hindi kaya ng mga sasakyan pangdagat at pang lupa.

Kung matatandaan natin noong matapos ang Bagyong Yolanda, tanging ang C130 lamang ng PAF ang siyang naasahan para makatugon sa mga nasalanta ng delubyong ito. Kung wala ang PAF hindi magiging madali ang pag-rescue at pagtulong sa mga biktima.

Hindi natin matatawaran ang ganitong papel ng PAF sa ating bansa kaya nararapat lamang na mabigyan natin sila ng ligtas na mga kagamitan na kanilang magagamit, sa pagsasanay man o sa aktuwal na pagtugon sa tawag ng tungkulin.

Bagamat alam nating may mga ilang bagong kagamitang pandigma na ang PAF, subalit ang mga nakaraang pangyayari ay nagsasabi sa atin na hindi pa ito sapat at marami pa ang kailangang gawin para sa modernisasyon ng PAF.

Kaya naman, sana ay magawa ng ating mga mambabatas na madagdagan ang pondo ng PAF para sa modernisasyon nito. Hindi lamang para sa kanilang kaligtasan kundi para makatugon sa ating mga pangangailangan.

***

Kahapon, sa regular na ‘Meet the Press/Report to the Nation’ media forum ng National Press Club, dumulog sa atin ang mga nabiktima ng ‘bank scam’ na pulos depositors ng Security Bank. Anila pa, sa kabayan ay aabot na sa higit P15 milyon ang mga “nanakaw” sa kanilang mga deposito kung saan ang isa pa nga sa kanila ay na tâng yan ng P13 milyon!

Sa kanila pang kuwento, aabot na sa higit 500 depositors ng Security Bank ang nabiktima— at marami pa anila ng patuloy na nabibiktima.

Hindi sapat na sabihin na “kasalanan” naman kasi nila kaya sila nabiktima matapos makumbinsi ng kausap nila sa telepono na “ulitin” nilang banggitin ang “ipinadala” sa kanilang ‘OTP’ (one-time password).

Bakit nga naman hindi nila paniniwalaan na taga-Security Bank ang kausap nila samantalang “alam” ang detalye ng kanilang account numbers, aber?

Hmm. HIndi ba malinaw na mayroong ‘scammer’ na may hawak ng dates ng mga depositors ng Security Bank? Paano nangyari ito?

Ang masakit, anila pa, pagkatapos ng “imbestigasyon” (daw) ng bangko, ang sagot lang sa kanila ay “sila” ang may “kasalanan” at hindi ang Security Bank dahil nga kinumpirma nila ang OTP na natanggap nila mula sa kanilang kausap sa telepono.

Kung walang problema ang seguridad ng sistema ng Security Bank, paano nangyaring alam ng mga scammer ang detalye ng account ng kanilang mga depositor at bakit nagagamit ang ipinapadalang mga OTP na hindi man lang nalalaman ng bangko?

Aber, kahit nga mga account na ‘over-the-counter’ lang ang transaksyon, nawawalan din ng mga deposito, katulad ng nangyari kay NPC director Benedict Abaygar.

At siyempre, mas masakit sa kanila na ang mga ahensiya ng gobyerno na dapat tumulong sa kanila— BSP, NBI, PNP Cybercrime, AMLAC eh, wala rin anilang aksyon hanggang ngayon maliban sa tanggapin lang ang kanilang mga reklamo na ang ilan ay naidulog na nila noon pang 2020!

Bukas ang pitak na ito sa paliwanag ng Security Bank kasabay ng ating panawagan kay PBBM, DOF Secretary at dating BSP governor Ben Diokno, sa PNP at DOJ, na ừ aksyon naman upang matulungan ang mga biktima.

At siyempre, dapat din na tubuan ng konsensiya ang Bankers Association of the Philippines (BAP) at tumulong upang maresolba ang problemang ito.

Abangan!

AUTHOR PROFILE