MobileLab Ang kauna-unahang Pinoy-made ‘Mobile Lab’ na makakapagsuri ng African Swine Fever at Avian Influenza (AI) ay ipagkakaloob sa Bukidnon. Ang mobile biocontainment laboratory ay dumaan rin sa San Juanico bridge at sa Misamis Oriental.

‘Mobile Lab’ na susuri ng ASF, AI parating na sa Bukidnon

October 24, 2022 People's Tonight 630 views

MobileLab1MobileLab2

‘Gawang Pinoy’ ayon sa DOST

ISANG solusyong pang-agham na makapagsusuri sa sakit ng alagang hayop gaya ng African Swine Fever (ASF) at Avian Influenza (AI) ay parating na sa Bukidnon.

Ang Department of Science and Technology (DOST)-Business Innovation through S&T (BIST) Program ay nagpondo para makagawa ng isang Mobile Laboratory Unit (MLU) na may pangunahing teknolohiya para sa animal health diagnostics.

Ito ay ginawa ng isang lokal na veterinary research and diagnostics company na BioAssets Corporation. Ang kauna-unahang MLU ay ipagkakaloob sa Central Mindanao University (CMU) sa Maramag, Bukidnon ngayong Biyernes, ika-28 ng Oktubre, sa isang grand launching and turnover ceremony.

Ang mobile biocontainment laboratory na ito ay kauna-unahang nailikha para sa Pilipinas na makapagbigay tulong sa hog at poultry breeders sa Bukidnon.

Tinatayang lima hanggang sampung farms kada araw na nangangailangan ng diagnostic tests para sa livestock ang magagawa sa MLU. Ang pagsusuring ito at halintulad sa pagkakaroon ng 150-250 samples pooled at tested sa isang lugar.

Ang pagkakaroon ng ganitong pasilidad ay susuporta sa rapid response sa potential outbreaks at capacity-building at disease surveillance. Ito ay makakatulong sa mga nag-aalaga ng livestock at mga beterinaryo sa Mindanao na makagawa ng mitigation strategies, preventive at control measures alinsunod sa pangangailangan ng rehiyon.

Ang partnership sa pagitan ng CMU at BioAssets Corporation, sa pangunguna ni Dr. Homer Pantua, ng BioAssets Corporation CEO, BIST Project Leader, at Balik Scientist. Ang paggawa ng MLU sa DOST S4C- BIST Program ay importanteng bahagi sa establishment ng national program on disease surveillance.

Ang programang ito ay tutulong sa mga nangangalaga ng livestock sa pamamagitan ng pagprotekta sa kalusugan ng mga hayop at publiko sa tulong ng pagkakaroon ng preventive at control measures para sa potential zoonotic diseases.

Ang Bukidnon ay naitalang may highest production ng 137.28 thousand metric tons liveweight noong tanong 2021. Sa kasalukuyan, may 16,007 backyard hog raisers at 71 commercial hog raisers sa 22 municipalities ng Bukidnon.

Noong December 2021, may 251 poultry farms din ang naturang lugar. Dahil sa bilang ng hog at poultry raisers sa Bukidnon, kinakailangan na ang kauna-unahang MLU ay maibigay sa lugar upang masuportahan ang disease diagnostics doon.

Ang Science for Change-BIST Program ay nagbibigay ng financial assistance sa Filipino private companies para sa acquisition of strategic and relevant technologies para makapag-undertake ng R&D (Research & Development). Ang financial assistance na gagamiting pambili ng high-tech equipment o pag-secure ng technology licensing at patent rights, ay maire-refund sa DOST sa 0% interest lamang.

Para sa mga kumpanya na gustong maka-avail ng benepisyo ng DOST S4C-BIST Program, maaari kayong pumunta sa DOST-Science for Change Project Management Office sa 2/F ADMATEL Bldg., DOST Compound, Gen. Santos Ave., Bicutan, Taguig City, na may telephone numbers (02) 8837-2943/ 8837-2930. Maaari ding magpadala ng email sa [email protected] o bumisita sa S4C Facebook page @dost.s4cp.

AUTHOR PROFILE