Kulong

Mister swak sa selda dahil sa patong-patong na estafa

October 11, 2023 Jonjon Reyes 187 views

ISANG 38-anyos na mister ang sinilbihan ng warrant of arrest ng mga tauhan ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD) sa loob ng Santiago District Jail sa Abaya Satiago Isabela, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, chief ng District Investigation Division 1 ng MPD ang suspek na alyas Edmar.

Batay sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng DPIOU, bandang 5 p.m. nang isilbi ang arrest warrant sa akusado sa nasabing jail sa Isabela City.

Sa pamamagitan ni Police Captain Roy Abindan ng Warrant and Subpoena Section ng RIU,NCR; Mandaluyong City Police at Santiago City Police Office, ay naisilbi sa suspek ang warrant of arrest para sa 10 bilang na estafa na inisyu ni Judge Emilio Gonzales lll, ng Metropoltan Trial Court Branch 99 ng Manila na may petsang September 21, 2023.

Nahaharap din sa kasong estafa ang suspek base sa arrest warrant na inisyu ni Judge Vladimir Daral ng MTC na may piyansang P180,000. Nag-isyu din ng arrest warrant laban si Judge Ailcen Saquing Agacita, ng Regional Trial Court Branch 213 na may petsang September 19 at August 31, 2023.

Pinayagan ng korte ang suspek na maglagak ng piyansang P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaab.

AUTHOR PROFILE