Default Thumbnail

Misis winakwak sa saksak ni mister!

April 25, 2021 Gil Aman 310 views

PATAY ang isang ginang matapos burdahan ng saksak sa katawan ng umano’y bangag na mister dahil sa matinding selos Biyernes sa Sitio Huwaran Bgy. Pagsawitan, Sta Cruz, Laguna.

Base sa ulat ni PLt. Col. Chitadel Gaoiran, hepe ng Sta Cruz police, kinilala ang biktima na si Julie Ann Pearl Yatco, 30.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek na si Bryan Baltazar, 40, construction worker at residente sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon, bandang alas 5 p.m. sa isinagawang pagsisiyasat ni Pat Angelica Yasoña, naganap ang insidente habang idinaraos ang kaarawan ng bunsong kapatid ng biktima.

Sinasabing nag-ugat umano ang matinding pag-aaway ng biktima at suspek ng dahil sa matinding selos.

Hinala umano ng suspek na may iba ng lalaki ang biktima na nauwi sa mainitan nilang pagtatalo at pananaksak.

Natumba saka bumagsak sa lupa ang biktima matapos magtamo ng ilang tama ng saksak sa kanyang katawan.

Nagawa pang maisugod sa Laguna Medical Center ang biktima ng kanyang pamilya subalit nalagutan ito ng hininga bunsod ng malalalim na sugat sa katawan.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Sta. Cruz PNP Custodial Cell na nahaharap sa paglabag sa kasong homicide.

AUTHOR PROFILE