Default Thumbnail

Pinamigay sa walang tulog na cast, crew

April 25, 2021 People's Tonight 293 views
angel
ANGEL PINAKYAW
PANINDA NG
MAGTATAHO

YOU can never put a good woman down.” Ito ang mensahe ng mga netizens kay Angel Locisn na nagpahayag ng suporta sa kanyang mga pagtulong sa mga kapos-palad na umano’y matagal na niyang ginagawa.

Ayon sa post sa Facebook ni Twinkx Morningstar, “She has the purest heart since then. We are right behind you, Angel.”

Nag-post rin ng sulat ang netizen na naglalaman nito:

“Dear Angel Locsin,

Mare, I still remember these days when we were shooting MMK in 2007. Pinakyaw mo ang buong paninda ni manong magtataho para ipamigay sa buong cast and crew natin noon. 36 hours straight wala tayong tulugan sa taping from Manila to Bulacan, back and forth. Pero ni isang saglit, hindi umiinit ulo mo. Sobrang bait mo pa rin. Tuloy ang aura!

Nag chichikahan kami ni Goy at yung isang PA mo, wala silang sinabi tungkol sayo kundi how GENEROUS, and KIND you are na bukod sa monthly salary nila, binibigyan mo pa sila ng tig isang sakong bigas, and other freebies.

You’re a very down to earth person, mare. Although ilang years na ang nakalipas, you never changed being GENEROUS, and KIND. Consistent ka.

Whatever mistakes you’ve made, always remember na may mga tao pa rin na susuportahan ka kahit malayo sayo. May mga tao na never makakalimutan ang kabaitan mo. Keep doing good, mare. Tandaan mo, sa mundong ito, kahit ilang beses kang gumawa ng tama at kabutihan, magkamali ka lang, yun na ang titignan nila sayo. Pero there are people who will always remember who you really are, and how you treated people with so much generosity and kindness at isa nako dun.

Sincerely,

Twinkle”

Ang nasabing post ay umani ng mga komento ng suporta sa iba’t ibang netizens. Tonight wire, socmed monitor

AUTHOR PROFILE