Default Thumbnail

Mga sekyu gagawing katuwang ng pulisya sa pag-maintain ng peace, order — Gen. De Leon

November 7, 2021 People's Tonight 225 views

PINAPLANTSA na ng Philippine National Police (PNP) Civil Security Group ang mga alituntunin na gawing katuwang ng pulis ang mga sekyu sa paglaban sa krimen at pag-maintain ng kaayusan o peace and order sa buong bansa.

Ayon sa bagong hepe ng CSG na si Brig. Gen. Val de Leon, “ kalahating milyon ang ating lisensyadong mga sekyu, at kahit saang sulok ng bansa ay may security guard”.

“Dahil halos bawat kanto may sekyu na nagbabantay ng establisamiyento, maari silang tumulong sa mga pulis natin sa emergency,” dagdag ni Gen. de Leon.

“May training sa paghawak ng baril ang mga guwardiya natin at may alam din sa tamang paghuli ng mga suspek kaya mahalaga sila bilang “force multiplier. Ang kagandahan kasi sa security guards na maging katuwang ng mga pulis natin sa paglaban sa kriminalidad ay kahit sa isang liblib na bayan ay may mga sekyu na pwedeng tumulong sa pulis,” ani de Leon.

Pahabol pa ni de Leon, “marunong ding gumawa ng written reports ang mga guwardiya.

Ang paglilisensya sa mga guwardiya ay hawak ng CSG ng PNP.

AUTHOR PROFILE