Nakaw TIKLO–Nasilo ng mga pulis ng MPD Barbosa PS 14 ang menor de edad na tumangay sa box na may lamang pera na kinita ng jeepney driver sa C.M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Menor de edad timbog sa pagnenok sa kita ng jeep driver

September 7, 2023 Jonjon Reyes 415 views

Nakaw1NAARESTO ng mga pulis ang isang sa menor de edad na nagtakbo ng kita ng pampasaherong jeep sa Recto St. at Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Manila noong Huwebes.

Ayon kay Police Lt. Col. Roberto Mupaz, commander ng MPD PS 14, nasa patrol operation ang kanyang mga tauhan sa nasabing lugar nang nakasalubong ang dalawang lalaki na tumatakbo na may dalang maliit na box na may lamang pera.

Mula sa hindi kalayuan humahabol ang isang matandang lalaki na siya palang driver.

Doon na nila hinarang ang mga tumatakbo hanggang sa ma-korner ang isa sa menor de edad na siyang may hawak ng box.

Na-recover ng mga pulis ang ninakaw na kita ng driver na nasa loob ng box.

Lubos ang pasasalamat ng tsuper sa mga kapulisan sa pamumuno ni Mupas sa paghuli sa mga menor de edad na magnanakaw.

AUTHOR PROFILE