Default Thumbnail

Hit and run MC driver pinaghahanap

September 7, 2023 Melnie Ragasa-limena 256 views

TINUTUGIS ngayon ng pulisya ang driver ng isang motorsiklo na nakasagasa sa isang 53 taong gulang na lalaki sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa isang ospital ang biktimang si Alberto Tolentino.

Ayon sa ulat nangyari ang insidente sa kanto ng IBP Road at Kalusugan street Sa Barangay Batasan Hills pasado alas otso ng gabi.

Unang binangga ng nasabing motosiklo ang isa pang motorsiklo na minamaneho ni Jayson Prelijera.

Nasagasaan din si Tolentino habang tumatawid sa kalsada.

Ngunit imbes na huminto ay humarurot ng takbo ang motorsiklo patakas sa pinangyarihan ng aksidente.

Dinala ng mga rescuer si Tolentino sa isang ospital ngunit binawian sya ng buhay dahil sa grabeng pinsala sa katawan.

Habang si Prelijera naman ay ginagamot din sa isang ospital matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.

Patuloy ang follow up operation ng pulisya upang matukoy ang driver ng Yamaha Mio motorcycle na nakasagasa sa dalawang biktima.