BBM1

MDT ikakaasa ng Amerika kapag may napatay na Filipino

April 15, 2024 Chona Yu 84 views

HINDI mag-aatubili ang Amerika na gamitin ang Mutual Defense Treaty sakaling may mapatay na servicemen dahil sa pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mismong si US Secretary of State Lloyd Austin ang nagtiyak sa kanya na gagamitin ang MDT.

“US Secretary Austin explained it very well. If any Filipino serviceman is killed, that will invoke MDT,” pahayag ni Pangulong Marcos sa FOCAP forum.

Gagamitin din aniya ang MDT kahit na maritime militia pa ang makapatay aa tropa ng mga Filipino.

“As long as they have they have caused casualties. Whatever their designations are, it does not matter, that is an attack to the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Lumalala na ang tensyon sa West Philippine Sea dahil ilang beses nang hinaharang ng Chinese Coast Guard ang mga barko ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Taong 1951 nang lagdaan ng Pilipinas at Amerika na nangakong idi-depensa ang isat isa sakaling may agresyon o armed attack sa Pacific region.

AUTHOR PROFILE