Sara1 Ineendorso ni Manila Rep. Manny Lopez (left) si Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte sa proclamation rally na ginanap Biyernes ng gabi sa Plaza Hernandez sa harap ng Sto Niño Church sa Tondo, Manila. Kuha ni VER NOVENO

Mayor Sara ipapanalo sa Tondo

March 26, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 371 views

NANGAKO si Manila Rep. Manny Lopez na magdodoble-kayod ang kanyang grupo upang tiyakin ang panalo ni vice presidential candidate Sara Duterte sa paparating na halalan.

“Ngayon pa lang sinasabi na po namin sa inyo (Duterte) na dito sa dakilang bayan namin sa Tondo ay masisiguro po namin na kayo ay magwawagi,” sabi ni Lopez sa opisyal na pagsisimula ng kampanya ng mga tumatakbo sa lokal na pamahalaan.

Nagpasalamat si Lopez sa pagbisita ni Duterte na sinamahan ng mga senatorial aspirant na sina Salvador Panelo at Jinggoy Estrada.

“Mapalad tayo dahil sa inyong mainit na pagtanggap, dalawang beses na tayong binisita ni Mayor Inday Sara dahil ipinakita ninyo at ipinamalas ninyo kung papaano n’yo siya (Duterte) minahal at hindi tayo magtatapos dito, sa Mayo a nuwebe, huwag n’yo pong kakalimutan si Inday Sara Duterte,” dagdag pa ni Lopez.

Ayon kay Lopez pumunta rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Tondo upang mangampanya anim na taon na ang nakakaraan.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na tutukan niya at ng running mate na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkakaroon ng pera at pagkain ang mga Pilipino kasabay ng pagsiguro na magiging mapayapa ang kanilang buhay.

AUTHOR PROFILE