Mayor

Mayor dumalo sa capability building program

October 16, 2023 Jojo C. Magsombol 220 views

ORIENTAL Mindoro–Dumalo si Mayor Marilou Flores-Morillo (kaliwa) kasama si City Councilor Atty. Jel Magsuci sa Capability Building Program Package Implementation sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Calapan City Convention Center noong Oktubre 11.

Layunin ng aktibidad na suportahan ang mga homeowners’ associations gayundin para mag-inspeksyon dahil mandate ng DHSUD na makapagsusumite sila ng mga report tulad ng annual at election reports.

Bilang bahagi nito, lumikha sila ng Capacity Building Training Program, para sa Homeowners Association Board of Directors and Officers ng Oriental Mindoro para matulungan sila sa kanilang mga report at sa ibang pang mga mahahalagang bagay na kailangan bigyang pansin.

AUTHOR PROFILE