Maureen

Maureen, nag-iisang buwan ni JK

June 13, 2022 Vinia Vivar 277 views

Hiwalay na sina JK Labajo and Maureen Wroblewritz. Ibinalita nila ito sa kani-kanilang Instagram posts kamakailan.

Halos magkasabay ang post ng dalawa at makikita sa palitan nila ng mensahe na mukhang maayos naman ang kanilang hiwalayan.

Nag-post ng artcard si Maureen na nagsasaad ng “life is not happening to you. Life is happening for you.”

Sa caption, she wrote, “Some things come to an end and that’s okay but now it’s time for us to grow on our own.”

Sa comment section ay sumagot si JK at madamdamin ang kanyang mensahe para kay Maureen.

“I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with.

“You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves. I want to see you succeed.

“I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love,” ang mensahe ni JK kay Maureen.

Sa huli ay nag-iwan din ng German message si JK na “Dankëschon, Ich liebe dich and auf wiedersehen” na ang ibig sabihin ay “thank you, I love you, goodbye.”

Sumagot din si Maureen at aniya, “@juankarlos thank you for everything!!!”

Nag-post naman si JK ng larawan nila ni Maureen in happier times at sa caption ay ipinahayag niyang Maureen pa rin ang nag-iisa niyang buwan.

“Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw pa rin ang nagiisa kong buwan.

Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli,” caption ni JK.

Matatandaang si Maureen ang leading lady ni JK sa music video ng hit single niyang Buwan in 2018.

Taong 2017 naman nang magsimula ang tsismis na may namumuong magandang pagtitinginan sa pagitan nila. Pero taong 2019 nang isapubliko nila ang kanilang relasyon.

Both are half-German na naging isa sa mga factors din kung bakit sila naging magkaibigan noon.

AUTHOR PROFILE