Albie

Albie, mabenta kahit may ADHD

June 13, 2022 Vinia Vivar 256 views

Para kay Albie Casiño, hindi niya itinuturing na kapansanan ang pagkakaroon niya ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD although aminado siya na kung minsan ay naaapektuhan din ang kanyang pagtatrabaho ng kanyang nasabing kondisyon.

Sa virtual presscon ng bago niyang pelikula sa Vivamax, ang Biyak directed by Joel Lamangan, natanong si Albie kung ano ang advantage at disadvantage ng pagkakaroon niya ng ADHD.

“I don’t really know what it’s like to live without ADHD so hindi ko po masasabi sa inyo ang advantage at disadvantage, kasi hindi ko siya mako-compare. Wala, eh, I don’t know what it’s like to be without it.

“But I really don’t think of it as a disability anymore. I don’t think it’s a disability at all,” pahayag ni Albie.

“I guess, mas marami lang akong energy, at saka yung mind ko, maraming iniisip. Before a scene, maraming tumatakbo sa isip ko so marami akong gustong subukan sa eksena.

“At the same time, puwede rin maging hindrance yun. Kasi, sa dami ng mga tumatakbo sa utak ko, minsan naguguluhan ako sa eksena and it’s my own fault.

“My mind is racing pero hindi ko talaga masasabi ang advantages at disadvantages because I don’t know what’s life like on the outside,” patuloy ng aktor.

At bilang patunay nga na hindi hindrance sa kanya ang kalagayan, patuloy pa ring kinukuha si Albie ng mga producer at direktor.

Ngayon nga ay may bago siyang pelikula sa Vivamax, ang Biyak, kung saan ay kasama niya sina Angelica Cervantes, Quinn Carillo at Vance Larena.

Ginagampanan ni Albie sa Biyak ang papel ng isang pulis.

“It’s so hard for me to explain kung bakit sobrang astig and exciting ng role ko without spoiling a big part of my character’s involvement in the film.

“Talagang blessing na nakuha ko itong role na ‘to. I enjoyed shooting this character so much,” sey ng aktor.

Streaming na ngayong July 1 ang Biyak sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE