Matteo Larawan mula sa IG/@matteog

Matteo si Sarah pa rin priority sa kabila ng busy sched

November 24, 2023 People's Tonight 141 views

SA kabila ng tambak na trabaho at busy schedule, sey ng aktor na si Matteo Guidicelli ay mas priority pa rin niya ang pagiging asawa kay Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Sa episode nitong Huwebes, Nobyembre 23 ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, napag-usapan nila ng aktor kung may oras pa ba ito sa kanyang misis.

“Okay, you’re doing ‘Black Rider,’ sa umaga nasa ‘Unang Hirit’ ka, you have G Studios. And I’m sure you’re doing a lot of other things. Hindi nagco-complain ang iyong misis?” saad ni Tito Boy.

Kahit raw maraming ginagawang trabaho, pinaka prayoridad pa rin daw ni Matteo ang pagiging mister at pag-uwi sa piling ni Sarah.

“Ah, the main priority is being a husband, Tito Boy. It’s the main priority. Going home to my wife, kissing her good night, and waking up beside her. That’s the priority,” wika ng ‘Penduko’ star.

AUTHOR PROFILE