Pokwang

Marian at Pokwang, magbabardagulan!

January 17, 2024 Jun Nardo 152 views

ANG komedyanang si Pokwang pala ang bagong dagdag sa cast ng season 2 ng Jose and Maria’s Bonggang Villa sitcom nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na magsisimula sa Sabado, January 20.

Base sa social media accounts ng GMA, makakakumpitensiya ng bed and breakfast nina Dong at Yan ang bed and breakfast din si Mamang Pokie, huh!

Naku, bardagulan na ang magaganap sa labanang ito ng mag-asawa at ni Pokwang.

Eh, kahit mas kilala si Pokie bilang komedyana, aba, huwag tawaran ang kakayahan ni Yan sa pagpapatawa dahil may angking talento rin siya pagdating sa genre na ‘yan.

Sa totoo lang, sa pagkakaroon ng sitcom ni Pokwang, halos six days na siyang mapapanood sa TV dahil may daily siyang TikTok O’ Clock sa umaga at nitong nakaraang mga araw, may special guesting siya sa top-rating GMA Afternoon prime na Abot Kamay na Pangarap.

So, abangan ang talakan/tawanang Marian-Pokwang sa Bonggang Villa, huh!

AUTHOR PROFILE