Max

CRITICALLY ACCLAIMED BRITISH-FILIPINO MOVIE NI MAX, PALABAS NA SA ’PINAS

January 17, 2024 Jun Nardo 132 views

ANG horror-mystery film na nanakot at gumawa ng ingay sa mga sinehan sa London at iba pang bahagi ng mundo ay mapapanood na rin sa mga sinehan sa Pilipinas.

Alamin kung bakit pinag-uusapan ng manonood at nanalo sa iba’t ibang international awards ang Raging Grace na mapapanood sa mga sinehan ngayon simula kahapon, January 17, mula sa Viva Films.

Pinagbibidahan ito nina Max Eigenmann, Jaedej Paige Boadilla, Leanne Best at David Haymann.

Kuwento ito ng isang ina (Max), isang illegal alien na pinasok ang iba’t ibang trabaho para matustusan ang sarili at anak dahil iniwanan ng asawa.

Ang Raging Grace ay ang kauna-unahang British-Filipino film na na-produce sa UK.

Nominated rin ang director nitong si Paris Zarcilla sa British Independent Film Awards.

Magaling si Max sa movie pati na ang lahat ng cast, lalo na ang gumanap bilang Grace na anak niya.

AUTHOR PROFILE