Marami ang natuwa sa pag-atras ni Kabayan Noli

November 7, 2021 Aster Amoyo 287 views

NATUWA ang mga supporter ng veteran journalist, news anchor, dating senador at dating Vice-President ng bansa na si Kabayan Noli de Castro nang mag-desisyon itong umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-senador last October 13, 2021 limang araw matapos itong maghain ng candidacy nung October 8, 2021.

Napagtanto ni Kabayan Noli na mas makatutulong siya sa mga tao at sa publiko kung patuloy siya sa pagiging news anchor at commentator sa pamamagitan ng kanyang programang “Kabayan” sa TeleRadyo (dating DZMM) ng ABS-CBN na napapakinggan at napapanood araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes from 8 a.m. to 10 a.m. Balik din siya sa paghahatid ng araw-araw na balita sa TeleRadyo with Joyce Balancio from 7 a.m. to 8 a.m. Ang hindi pa sigurado ay kung babalik siya sa paghahatid ng balita sa “TV Patrol” matapos siyang mag-resign sa programa. Siya’y pinalitan sa nasabing news program ni Karen Davila who was pulled out from “The World Tonight” ng ANC (ABS-CBN News Channel).

Umaasa rin ang mga followers ng “TV Patrol” na babalik din sa programa balang araw si Kabayan Noli.

Bukod sa pagiging veteran broadcaster, si Kabayan Noli ay naging senador (topnotcher) sa loob ng tatlong taon (2001-2004) at hindi na niya natapos ang kanyang term dahil tumakbo siya sa pagka-Vice-President nung 2004 up to 2010 under former Pres. Gloria Macapagal-Arroyo. After this term as Vice-President ay binalikan niya ang pagiging broadcaster in 2010.

DonieBelle at Donny may launching movie na

MATAPOS pumalo sa ratings ang first iWantTFC series nina Donny Pangilinan (23) at Belle Mariano (19), ang “He’s Into Her” na nagkaroon pa ng Season 2 (at napapanood na rin sa Netflix), walang alinlangan na ang DonBelle loveteam ay isa ngayon sa pinaka-fast rising loveteam in showbiz. Kaya naman hindi nag-aksaya ang Star Cinema na bigyan ang dalawa ng kanilang launching movie mula sa pamamahala ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Sina Donny at Belle ang tinatayang magiging isa sa hottest loveteams sa taong 2022. Ang dalawa ay unang nagkasama sa pelikulang “James & Pat & Dave” nung isang taon.

Pauleen may mensahe para kay Tali

SA darating na Miyerkules, November 10 ay 33rd birthday ng misis ni Vic Sotto na si Pauleen Luna-Sotto. Pero bago ang kaarawan ng singer-actress-host, nauna munang nag-celebrate ng kanyang 4th birthday ang anak ng mag-asawa na si Tali last November 6.

Narito ang mensahe ni Pauleen kay Tali sa kanyang Instagram account:

“My sweet little girl! Happy 4th birthday to you. I know I gave birth to you but you definitely gave life to me! Thank you for pushing me to be the best version of myself and for allowing me to live my dream which is to become a mom! You will ALWAYS be my best success that’s why I pray for you to have a kind, compassionate, loyal heart. I pray that you will always choose to be kind than be right. I pray that you will always bring sunshine wherever you go til you’re old because that’s how we feel when we’re around you. So proud of what you’re turning out to be anak! Konting patience lang kay mommy and daddy. WE LOVE YOU! Happy birthday Talitha!”

In a separate Instagram post ni Pauleen ay ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan for her daughter’s fun birthday celebration.

“4th birthday a success! Thank you dear Lord for my daughter’s precious life. Seeing her happiness is priceless. Thank you to her 2 friends for making her afternoon fun!”.

Since apat na taon na si Tali, umaasa ang followers ng mag-asawang Vic at Pauleen na masusundan na ng baby sister o baby brother ang kanilang panganay.

Sina Vic at Pauleen ay ikinasal nung January 30, 2016 sa St. James The Great Parish Church in Alabang. The couple will celebrate their 6th wedding anniversary on January 16, 2022.

JohnJohn isang buwan lang sa PBB

TUMAGAL lamang ng halos isang buwan sa loob ng PBB house ang professional mixed martial artist at 2021 Mister Supranational Philippines na si John Adajar at kauna-unahang na-evict last Saturday night sa PBB Kumunity Season 10. Na-save for eviction naman sina KD Estrada at Karen Bordador.

Sa kabila ng kanyang short stint sa loob ng Bahay ni Kuya, nagpasalamat si John sa kanyang mga naging kasamahan na bigla niyang na-miss sa kanyang paglabas.

Nagpasalamat din si John kay Big Brother dahil nagkaroon umano siya ng bagong pamilya at mga kaibigan inside the PBB house.

John was welcomed outside the PBB house ng mga host na sina Toni Gonzaga at Robi Domingo and virtually ng kanyang fiancée na si Michaella Arenas.

Maine at Arjo tatlong taon na

NEXT month (December) ay ise-celebrate ng magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde ang kanilang 3rd anniversary bilang magkasintahan.

Sa Instagram post ng actor-producer at congressional candidate ng unang distrito ng Quezon City na si Arjo ay ipinakita nito ang pagmamahal sa kanyang girlfriend na si Maine.

“Starting 31 with one life’s blessings. I love you soooo much, bubba. Thank you for everything,” referring to his girlfriend of almost three years na si Maine.

Sina Arjo at Maine ay nagkalapit sa isa’t isa sa set ng pelikulang “Jack Em Popoy” in 2018 na pinangunahan nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine.

Dumaan din sa matinding pagsubok ang pag-iibigan ng dalawa dahil tinutulan ito ng AlDub fans nina Alden Richards at Maine, ang sensational loveteam na nabuo in July 2015 sa pamamagitan ng “Kalyesere” ng noontime program na “Eat Bulaga”. Nabuwag ang tambalan nina Alden at Maine dahil sa pagpasok ni Arjo sa buhay ni Maine.

Mang Tani bumalik na

BUMALIK na sa “24 Oras” news program ng GMA ang resident meteorologist na si Nathaniel `Mang Tani’ Cruz last Friday, November 5 galing sa kanyang bakasyon sa Australia.

Ang buong akala ng marami ay pinalitan si Mang Tani ng bagong lipat sa Kapuso network na si Kuya Kim Atienza pero hindi pala dahil magkaiba ang kanilang segment.

Mang Tani was welcomed back to “24 Oras” ng mga news anchor na sina Mike Enriquez, Mel Tiangco at Vicky Morales maging ng segment host na si Kuya Kim.

TomCarla at Tom magkaroon agad ng anak ang uunahin

NGAYONG mag-asawa na sina Carla Abellana at Tom Roddiguez matapos ikasal nung nakaraang October 23 in San Juan, Batangas, gusto ng bagong kasal na magkaroon na agad sila ng anak. After all, 35 na si Carla at 34 naman si Tom and they’re more than ready to have a new addition sa kanilang pamilya.

Umaasa ang bagong mag-asawa na ito’y mangyayari sa isang taon.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE