Drowning

Mangingisda, nalunod sa Ilocos Sur

May 1, 2023 Zaida I. Delos Reyes 481 views

ISANG mangingisda ang nasawi matapos na malunod sa ilog nitong Linggo ng gabi sa Barangay Nagpanaoan, Santa, Ilocos Sur.

Ang biktima ay 40-anyos at residente ng lugar.

Batay sa ulat ng Santa Municipal Police Station (MPS), nakikipag-inuman umano ang biktima kasama ang dalawang pinsan malapit sa Versorong River sa Bgy. Nagpanaoan.

Nang malasing ay agad na tumalon ang biktima sa ilog subalit hindi na ito lumitaw dahilan upang humingi ng tulong ang kanyang mga pinsan.

Natagpuan naman ng rescue team ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog.

Matapos maiahon, agad na dinala ang biktima sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang, Tamag, Vigan City subalit idineklara itong “dead on arrival.”