Default Thumbnail

Maliliit na negosyo uunlad kay Isko —- Bagatsing

September 26, 2021 People's Tonight 356 views

NANINIWALA ang dating konsehal na ngayon ay businessman na si Don Bagatsing na uunlad ang mga maliliit na negosyante kay Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Bagatsing, maganda at napapanahon sa General Tax Amnesty plan ng lungsod ng Maynila na magsisimula ngayong October 1 hanggang December 29.

Sinabi ni Bagatsing, uusbong ang mga maliliit na negosyo dahil sa kautusang ito ni Yorme Isko.

“Imbis na penalty at interest ang babayaran para lang mag-bukas, madadagdagan ang capital ng mga maliliit na mga negosyo, maraming maeenganyo magtayo at muling magbukas ng kanilang mga negosyo” pahayag ni Bagatsing.

Ani Bagatsing, bunsod ng pandemya ay maraming nawalan ng trabaho at nagsarang negosyo, kaya’t maraming nawalan ng gana, kaya ang pagbibigay ng ammesty ay isang insentibo para mag- umpisa, gumalaw, at magsimula muli ang mga maliliit na negosyante.

“A General tax amnesty is an act meant to encourage people to get back on their feet and be productive again. Parang sa baterya ng kotse na diskargado na, kailangan “i-series” para umandar ulit. Its the same concept. Tamang mungkahi ito ni Yorme Isko”. Sabi ni Bagatsing

Nananawagan si Bagatsing sa lahat ng Alkalde sa buong bansa na ipatupad din sa kanilang nasasakupan ang magandang idea na ito ng lungsod ng Maynila.

“Try and think of other “unorthodox ways” to jumpstart your local economy. Maraming paraan para makabangon sa pagbagal ng ekonomiya dulo’t ng pandemya, its time to do it”. Pagtatapos pa ni Bagatsing.

AUTHOR PROFILE