Janine Larawan mula sa IG/Janine Gutierrez

Makalaglag-pangang abs

February 9, 2024 People's Tonight 147 views

KUNG alindog at kagandahan lang din ang pag-uusapan, tamang-tama ang timpla ng sa award-winning actress na si Janine Gutierrez.

Sa isang Instagram post ng ‘Dirty Linen’ actress, ibinandera niya ang taglay niyang kaseksihan habang naka bakasyon sa isang private rest house sa Bacnotan, La Union.

Isang two-piece bikini shot ang patakam ni Janine sa netizens.

Effortless din ang kariktan ng aktres, walang kahit anong make-up ang nakalagay sa kanyang mukha na siyang pinapurihan ng mga tao sa comment section.

Hindi rin nagdamot si Janine na pabakatin ang makalaglag-pangang nitong abs. Halatang sagana sa gym ang aktres at ang ebidensya nito ay ang kanyang magandang hubog.

Tila isang flavor na sweet and spicy ang awra ng aktres sa kanyang larawan. Matamis ang kanyang ngiti, ngunit hotness overload naman ang ibinubuga ng kanyang perfect body.

Samantala, napa-comment naman ang mga netizens sa beauty at katawan ni Janine at agad na pinusuan.

“Wow naman miss nini. So sexy and ganda mo talaga.”

“Grabe ang sexy wooooo.”

“Ang GANDA mo kahit walang make up.”

“Woow janine ang sexy mo.”

“Mas lalong uminit grabi sya.”

AUTHOR PROFILE