Nazal

Magsasaka Party-list suportado planong importasyon ng fertilizer

November 10, 2022 People's Tonight 228 views

Marcos admin naglaan ng P4.1B libreng pataba para sa magsasaka

SINUSUPORTAHAN ng Magsasaka Party-list, na kinabibilangan ni 1st nominee Robert Nazal, ang panukala ng administrasyong Marcos na mag-import ng fertilizer sa susunod na taon. Ito, anila ay upang mas mapalakas ang food production sa bansa at maging panatag ang presyo ng mga bilihin, lalong-lalo na ang mga pagkain.

Ani Nazal, magandang balita ito para sa sektor dahil kaakibat nito ang distribusyon ng libreng pataba para sa mga magsasaka.

“Tama lang ang hakbang na ito ng Pangulo, lalo pa’t hirap na hirap ang ating mga magsasaka at mga kababayan na nalulunod na sa mataas na presyo ng pagkain,” ayon kay Nazal.

Binigyang-diin ni Nazal ang kahalagahan ng mga abono dahil mas napapabilis nito ang paglago at paglaki ng mga pananim na pinagkukunan ng pagkain.

Mababatid na takdang lagdaan ni Pangulong Marcos ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na nagpapatupad ng paunang importasyon ng 150,000 metriko tonelada ng pataba mula sa China.

Mangangasiwa sa pagbili ng bansa ng fertilizer ang Philippine Trade and Investment Center (PTIC) na isang attached agency ng Department of Trade and Industry (DTI).

Kasabay nito, inatasan ng Pangulo ang Department of Agriculture (DA), DTI at ang PTIC na gumawa ng kaukulang aksyon upang masuportahan ang mga magsasaka at makontrol ang tuloy-tuloy na taas presyo ng mga pagkain.

Mababatid din na may alokasyong P4.1 bilyon ang DA na pambili ng 2.277 milyong bag ng fertilizer na ipamimigay sa mga magsasaka nang libre.

AUTHOR PROFILE