Phivolcs

Magnitude-5.1 quake yumanig sa Surigao del Sur

December 11, 2023 People's Tonight 173 views

NIYANIG ng magnitude-5.1 na lindol noong Lunes ang Surigao del Sur, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa rekord ng Phivolcs, tectonic activity ang ugat ng pagyanig at naganap bandang alas-6:52 ng umaga.

Natukoy ang epicenter ng lindol sa 123 kilometro sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur. May lalim na 10 kilometro ang lindol.

Walang inaasahang aftershocks ang Phivolcs na maaaring mangyari dahil sa lindol. Hindi rin iniulat ng Phivolcs na maaaring magdulot ng pinsala ang lindol.

AUTHOR PROFILE