Paul Gutierez

Magandang ‘senyales’ tungo sa P1 trilyon koleksyon

February 9, 2024 Paul M. Gutierrez 79 views

NAKAKATANAW ng liwanag ang Bureau of Customs (BOC) tungo sa inaasam na P1 trillion revenue collection ngayong taon 2024.

Bakit natin nasabi ito, mga kababayan? Dangan kasi, maganda ang naging panimula ng taon para sa BOC dahil muli na naman nitong nalampasan ang target collection saunang buwan ng taon.

Naka-kolekta ang ahensiya ng P73.33 billion noong Enero, mas mataas ng 2.1 porsiyento sa target nitong P71.78 billion.

Hindi na tayo magugulat kung makamit ng BOC ang P1 trillion revenue collection para sa taong ito, dahil sa mga nakalipas na buwan noong 2023, ay naging pangkaraniwanna lamang sa aduana na mahigitan ang target collection.

Noong nakaraang taon, nalampasan din ng BOC ang collection target nito na P883 billion kung saan nakapagtala ng record high collection na P911 billion. Ngayong taon, ang
itinakda sa ahensiya ay P959 billion.

Naniniwala tayo na dahil sa magandang pamamalakad ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, makakamit hindi lamang ang target na P959 billion, higit sa lahat – ang inaasam na P1 trillion collection.

Sinabi ng BOC sa isang pahayag, “This notable increase is attributed to the Bureau’s improved system of determining the customs value of imported goods, strengthened border protection, and concrete trade facilitation efforts.”

Bukod kay Commssioner Rubio, naniniwala rin tayo sa kalidad ng mga mahuihusay na district collectors ng Aduana, dahil nagsisilbing inspirasyon sa kanila ang mahusay na pamamalakad ni Rubio.

Personal din nating alam ang husay sa kanı-kanilang mga trabaho ng mga deputy commissioners at mga direktör ng ahensiya kaya hindi na “kabado” si Comm. Rubio na may sasablay siyang mga subordinates sa pamamahala sa ahensiya.

At dahil naging “common practice” na sa administrasyon ni Commissioner na laging nahihigitan ang target collection, siguradong hindi magpapabaya ang BOC upang muling mahigitan ang itinakdang koleksyon, at higit sa lahat ay maabot ang P1 trillion revenue.

Aabangan natin ang exciting part na ito sa Aduana. At malamang nakaabang din dito si bagong Finance Secretary Ralph Recto.

AUTHOR PROFILE