Kiray

Maagang Christmas gift ang tinanggap ni Kiray mula sa BF

November 10, 2021 Aster Amoyo 254 views

LouisSA darating na December pa magda-dalawang taon ang relasyon ng Kapuso actress na si Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia na nagtapos ng kursong Sports and Wellness Management sa Arellano University.

Pero maagang niregaluhan ni Stephan ang kanyang nobya ng mamahaling LV sandals at latest model na iPhone13 bagay na ikinatuwa ng aktres.

“Loyal na lalaki lang hiniling ko pero binigyan niyo ko ng lalaking may pa iPhone 13 na may pa LV pa! Huhuhuhu! Christmas gift na daw niya sa `kin. HAHAHAHAHA! I love you, @stephan.estopia!” post ni Kiray sa kanyang Instagram account na may kasamang tatlong red heart emoji.

Matagal nang magkakilala sina Kiray at Stephan dahil close friend ang huli ng kapatid ng actress pero hindi umano sila nagpapansinan lalupa’t meron silang ibang karelasyon noon. One time, parehong naglaro ng Mobile Legends sina Kiray at Stephan at a time na pareho silang nagmula sa broken relationship. Yun umano ang naging simula ng kanilang magandang pagtitinginan.

SharonSi FPJ ang malaking dahilan sa pagpasok ni Sharon sa ‘AP’

NEXT week ay sasabak na ang Megastar na si Sharon Cuneta sa lock-in taping ng top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ayon kay Coco, biglang pumasok umano sa isip niya na sana’y makapag-guest si Sharon sa kanyang serye. Agad umano niyang tinawagan ang COO for Broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes kung posibleng makuha guest ang megastar. At binalikan siya ng Kapamilya executive nang pumayag umano si Sharon, bagay na sobrang ikinatuwa ng actor-director. Lalo umanong na-excite ang (rumored) boyfriend ni Julia Montes nang mag-usap sila ni Sharon via zoom at ipaliwanag sa kanya ang kanyang magiging role sa serye.

Ang isa pang dahilan ng kanyang pagpayag ay dahil na rin sa yumaong Movie King na si Fernando Poe, Jr. kung kanino dedicated ang top-rating TV series ni Coco. Si FPJ ay isa sa closest friends ni Sharon nung ito’y nabubuhay pa at dalawang beses niyang nakatrabaho sa pelikula, ang hit movies na “Kahit Konting Pagtingin” in 1980 at ang “Minsan Pa (Kahit Konting Pagtingin 2)” fifteen years later in 1995.

Bukod kay Coco, kasama rin sa serye ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces at misis ng yumaong Movie King na si FPJ, ang ex-boyfriend ni Sharon na si Rowell Santiago at nakababata nitong kapatid na si Raymart Santiago, ang rumored sweetheart ni Coco na si Julia Montes, Lorna Tolentino, Tirso Cruz III, John Arcilla, John Estrada, Rosanna Roces (na nakatrabaho ni Shawie sa pelikulang “Revirginized”) at maraming iba pa.

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay first TV series ni Shawie sa bakuran ng Kapamilya channel.

JLCIn full force ang GMA sa pagpirma ni John Lloyd

HINDI man physically present ang ilang big bosses ng GMA sa pangunguna ni Atty. Felipe Gozon ay nagpaabot naman ang mga ito ng mensahe sa kanilang bagong Kapuso actor na si John Lloyd Cruz na lumagda ng program contract last Tuesday, November 9 na ginanap sa isa sa function rooms ng EDSA Shangri-La Hotel kung saan present ang ibang executives ng GMA na sina Atty. Annette Gozon-Valdez, Joey Abacan, Lilybeth Rasonable, Redgie Acuna-Magno, Oliver B. Amoroso, Joseph Francia, Angela Javier-Cruz, Gigi Santiago-Lara, Simoun Ferrer at ang GMAAC consultant na si Johnny Manahan at iba pa.

Naroon din ang Wacky Solutions, Inc. director at line producer, singer-actor at director na si Edgar `Bobot’ Mortiz na siyang magdidirek ng weekly sitcom na gagawin ni JLC kasama ang boyfriend ni Maja Salvador at COO ng Crown Artist Management, Inc. na si Rambo Nunez Ortega at Mikki Gonzalez.

Parang hindi rin umalis si John Lloyd ng ABS-CBN dahil Kapuso na rin ngayon ang kanyang perennial screen partner na si Bea Alonzo at iba pang transferees from ABS-CBN including Richard Yap. Nasa GMA na rin ang kanilang dating tatay-tatayan sa Kapamilya network na si Johnny Manahan.

Although para lamang sa isang sitcom ang nilagdaan ni John Lloyd sa Kapuso network, bukas umano siya sa ibang posibilidad tulad ng paggawa ng serye at pelikula. Excited din si JLC na makatrabaho ang mga Kapuso stars and talents at kasama na rito si Alden Richards na excited ding makatrabaho ang dating prized actor ng ABS-CBN.

Bukod kina JLC at Bea, ang iba pang dating Kapamilya talents na nasa bakuran na rin ng GMA include Richard Yap, Jason Abalos, Beauty Gonzales, Pokwang, Paul Salas, Jon Lucas, Kisses Delavin, Myrtle Sarrosa at iba pa.

RyanRyan1Ryan2Panganay ni Juday 17 years old na

SEVENTEEN years old na ang adoptive daughter at panganay ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan Santos Agoncillo.

Yohan was 7 years old nang ipaalam sa kanya ang kanyang pagiging adopted daughter pero hindi kailanman nagbago ang kanilang pagtingin at pag-aalaga sa kanya tulad ng isang tunay na anak kasama ang dalawa nitong younger siblings na sina Lucho at Luna.

Juday was still single and only 26 nang magka-interes siyang mag-adopt ng baby. Originally, ang mommy ng aktres na si Mommy Carol ang maga-adopt kay Yohan pero Juday insisted na siya na. Nang maging mag-asawa na sina Juday at Ryan ay in-adopt ng TV host si Yohan para maging Agoncillo.

Kinu-consider ng mag-asawang Juday at Ryan na malaking blessing sa kanilang mag-asawa si Yohan.

Nadine sa Siargao nagdaos ng birthday kasama ang pamilya at BF

MUKHANG tanggap na ng pamilya ng singer-actress na si Nadine Lustre ang kanyang rumored boyfriend, ang French businessman na si Christophe Bariou na nagma-may-ari ng isang resort in Siargao.

Last October 31 (Sunday) ay sa Siargao nag-celebrate ng kanyang 28th birthday si Nadine kasama ang kanyang pamilya at si Christophe.

Si Christophe ang dahilan kung bakit madalas makita sa Siargao ang singer-actress na nahilig na rin sa pagsu-surf.

Samantala, nakapagsimula na si Nadine ng kanyang bagong movie under Viva Films, her first matapos magkaroon ng legal battle ang actress at ang kanyang home studio, ang Viva. PInamagatang “Greed,” katambal ni Nadine sa nasabing pelikula ang young actor na si Diego Loyzaga mula sa direksyon ni Yam Laranas.

Umaasa ang mga supporters ni Nadine magtutuluy-tuloy muli ang pagiging aktibo ng singer-actress sa kanyang showbiz career ngayong na-plantsa na ang problema nito with her home studio.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE