Luis1

Luis at Jessy mas ganado ngayon dahil kay Baby Peanut

January 8, 2023 Aster Amoyo 370 views

LuisJessy

CELEBRITY couple Luis Manzano (41) and Jessy Mendiola (30) are brand new parents to their first born, Isabella Rose Tawile Manzano na tinatawag nilang Baby Peanut.

Si Baby Peanut ay isinilang last Saturday, January 7.

Tiyak na masayang-masaya rin ang parents ng Luis, ang former couple na sina Vilma Santos-Recto at Edu Manzano dahil natupad na rin sa wakas ang kanilangpagkakaroon ng apo.

Bahagyang ipinakita ng mag-asawa ang kanilang baby at mukhang mestiza ito at blandina ang buhok.

“Hi Peanut (two heart emojis) Isabella Rose Tawile Manzano,” post ni Luis sa kanyang Instagram account.

“I never knew I could love like this,” pagbabahagi naman ni Jessy.

Kitang-kita sa mag-asawang Luis at Jessy ang excitement sa paglabas ni Baby Peanut na first precious blessing sa kanila sa pagsisimula ng taong 2023.

It was in August 2022 nang ibahagi ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng baby na sinundan ng gender reveal a few months after (a baby girl).

Ngayong may baby na sina Luis at Jessy, mas lalong ganado ang TV host-actor sa kanyang pang-araw-araw na gawain including his being a successful businessman.

Hindi naman nagmamadali si Jessy sa kanyang trabaho bilang actress dahl mas gusto niyang tutukan ang kanyang pagiging first time mom kay Baby Peanut or Baby Rosie and as wife to Luis.

ArjoArjo1Arjo2Arjo3Arjo at Ria parehong masaya sa kanilang lovelife

NAKATUTUWANG tingnan na ang mag-iinang Sylvia Sanchez, ArjoAtayde at Ria Atayde ay magkakasama hindi lamang bilang isang pamilya kundi bilang nasa likod ng kanilang film production, ang Nathan Studios.

Ipinangalan ang Nathan Studios sa kalye kung saan nakatira ang mga Atayde in an exclusive village in Quezon City.

At 32, malayo na rin ang narating ng award-winning actor, congressman at film producer na si Arjo.

Since naka-focus si Arjo sa kanyang trabaho bilang kinatawan ng unang distrito ng Quezon City at pagiging actor, ang kanyang inang si Sylvia at nakababatang kapatid na si Ria ang nakatutok sa kanilang film production company pero nagbibigay umano siya ng suggestions at creative inputs.

In his over two decades in the business, malayo na ang narating ni Arjo who started in the youth-oriented program, “Ang TV” when he was only 9 years old.

Arjo is engaged to his fiancée, ang phenomenal star na si Maine Mendoza since July 29, 2022. Inaasahan ang pagpapakasal ng dalawa sa taong ito.

Although naka-bukod at namumuhay na nang sarili si Arjo, he still spends time with his family whom he considers his rock

ZanjoeZanjoe1Zanjoe2

Samantala, masaya rin si Ria sa buhay pag-ibig dahil sa boyfriend nitong actor na si Zanjoe Marudo.

Tulad ni Maine, welcome na welcome sa pamilya Atayde si Zanjoe na mas madalas na kasama ngayon ni Ria sa mga lakaran both here and abroad.

Although bago pa lamang ang relasyon nina Ria at Zanjoe, umaasa ang kanilang mga kaibigan na ang dalawa na ang magkalutuyan lalupa’t 40 na ang mahusay na actor (turning 41 this July 23) at 30 naman si Ria at pareho na silang nasa magandang estado para mag-settle down.

“Kung saan masaya ang mgaanak ko, suportado ko sila,” deklara ng veteran actress and entrepreneur na si Sylvia.

SUBCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE