Kulong

Lolo, 66, himas rehas dahil sa ‘himas PWD’, 19

July 20, 2023 Melnie Ragasa-limena 257 views

NAHAHARAP sa kasong rape ang isang senior citizen matapos umanong pagsamantalahan ang isang Person with Disability (PWD) na kaniyang inimbita sa kaniyang tahanan sa Quezon City.

Ang 66-anyos na suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Batasan Police Station (PS 6).

Ayon sa report, noong Hulyo 18, 2023, bandang ala sais ng gabi ay inimbitahan umano ng suspek ang 19-anyos na biktima sa kaniyang tahanan sa Freedom Park 5, Batasan Hills, Quezon City.

Nang makapasok ang biktima sa kaniyang tahanan ay agad umano itong hinubaran ng suspek at pinagsamantalahan.

Matapos ang pangyayari ay pinauwi ng suspek ang biktima kung saan nagsumbong ito sa kaniyang ina sa ginawang pang-aabuso sa kaniya.

Agad na nagreport ang nanay ng biktima sa Batasan Police Station (PS 6) na nagresulta sa pagkakaresto ng suspek.