Liza Liza Soberano

Liza Soberano at home na sa Hollywood, kahanay na nina Megan Fox at Eva Longoria

February 26, 2024 Eugene E. Asis 120 views

AT home na at home na si Liza Soberano sa pagiging Hollywood star.

Pagkatapos purihin ang kanyang papel bilang stepsister ng bidang babae (Kathryn Newton) sa pelikulang “Lisa Frankenstein,” sunud-sunod ang kanyang guesting sa iba’t ibang show at podcast doon.

Noong February 24, dumalo si Liza sa 2024 Screen Actors Guild (SAG) Awards na ginanap sa Shrine Auditorium and Expo Hall, kung saan muling hinangaan ang kanyang ganda sa isang simple pero eleganteng two-toned gown.

Sa Instagram, nag-share ang fashion designer na si Pamella Rolland ng litrato ni Liza na nakasuot ng isa sa kanyang disenyo mula sa kanyang Pre-Fall 2024 creation, isang blush Mikado gown na may itim na embroidered bodice.

Ayon sa post ni Pamella: #LizaSoberano looks breathtaking at tonight’s 2024 #SAGAwards.

Ang kanyang stylist nang gabing ‘yun ay si Maeve Reilly, na siya ring stylist ng ilang A-lister celebrities tulad nina Megan Fox, Jennifer Hudson, and Eva Longoria, to name a few.

Sa ngayon, may mga ongoing negotiations para kay Liza na bagong projects–pelikula at commercials–sa Hollywood. Inaasahan din na may mga gagawin siyang projects sa South Korea.

AUTHOR PROFILE